Akala ko ako na, Akala ko ako na ‘yung pipiliin mo.Dahil nakita ko sa bawat ngiti mo, sa tuwing kausap mo ako.Sa bawat tawa't halakhak mo, habang ang mga kwento ko'y tila baga balahibong kumikiliti riyan sa mga tenga mo.At sa bawat oras na iyong nilaan, upang ako'y iyong makasama't bigyang halaga.Akala ko ako na, Ako na ang siyang dinidikta ng puso mong sawi,Pero nagkamali ako, Dahil sa huli,Siya pa rin ang pinili mo at hindi ang isang tulad ko.Isang tulad ko na nasa tabi mo nung mga panahong wala siya.Ako na sumalo sa'yo mula sa iyong pagkakahulog.Ako na siyang nagtagpi sa puso mong nawasak.At Ako, Ako na siyang nagmahal sayo nang walang pasubali't walang pag-aalinlangan.Pero bakit siya? Bakit siya na nang-iwan sayo?Siya na kusang bumitaw sayoSiya na piniling unahin ang sarili niya habang ako,Nanlulumo, naguguluhan, at tanging sinasambit lamang ng puso't isipan ko,"Mahal kita, mahal na nga kita."Araw-araw kang pipiliin at hindi magsasawang intindihin ka."Ako ‘yung tahimik na nanalangin para sa ‘ting dalawa,Habang siya, abala sa pagbabalik mula sa wala.At ikaw,Pinili mo pa ring sumama sa kanya.Hindi mo ba nakita kung pa’no ko pinalitan ang sakit ng kahapon mo?Kung pa’no ko binigyan ng kulay ang mundo mong dating kukay itim at abo?Ako na siyang nagsilbing liwanag sa madilim mong daan,Pero bakit sa dilim, sa kawalan ka pa rin bumalik at nagtahan?Bakit hindi na lang ako? Bakit hindi ako ang tinuring mong tahanan?Hindi mo ba naramdaman kung pa’no kita minahal?Hindi mo ba narinig ang puso kong sumisigaw habang tahimik kang umaalis pabalik sa kanya?Ako, ako itong ngayon mo,Pero pinili mong balikan ang kahapon mo.At ang masakit doon —Masaya ka, nakikita kong masaya ka,Masaya kang marinig na mahal ka pa rin niya.Gayunpaman, masakit man para sakin,Kailangan ko itong tanggapin.Dahil una palang, batid ko na, ramdam ko na,Na hindi ako ang magwawagi sa laban naming dalawa.Kaya ngayon, ako na lang ang magpapasya,Pipiliing bitawan ka,Pipiliing kalimutan ka,Pipiliing mahalin ang sarili ko—Dahil kung ako, ang siyang hindi mo pinili,Ako ngayon ang magpapalaya sa’yo.
Change poem background
In whispers of laughter where dreams were sown,
I thought I held the promise, the heart unknown.
With every glance, every story spun,
I dared believe that I was the one.
In moments shared beneath the stars' embrace,
I cradled hopes that time could not erase.
Your laughter, a melody that painted skies,
Yet dreams betray when hearts disguise.
I stood beside you when shadows loomed near,
Mending the fragments of each fallen tear.
I swept away darkness, sewed light in pain,
Yet you turned to the one who left you in rain.
Why choose the past when the present stands clear?
Why follow footsteps that disappear?
My heart spoke silent, a lingering plea,
Yet your eyes sought paths where I could not be.
Now, I release you, your spirit unbound,
To chase the echoes where true love is found.
For in letting go, I find my own way,
Choosing myself in the break of day.
So I'll embrace the dawn, unshackle the chains,
Reclaiming the love that silently wanes.
For love is a journey, a voice set free,
And in losing you, I rediscover me.